Inaasahang masisimulan na ng Land Transportation Office (LTO) ang pamamahagi ng mga plaka na tinurn-over ng Bureau of Customs bago ang ikalawang linggo ng Mayo.
Ayon kay LTO Chief Roberto Cabrera, inaayos pa kasi nila ang mga dokumentong kasama nito sa Bureau of Customs at sa Philippine Ports Authority.
Sinabi din ni Cabrera na nakahanda din ang LTO, sakaling ideklara ng Commission on Audit na “disallowed payment,” ang ipinambili sa mga plaka.
Bahagi ng pahayag ni LTO Chief Roberto Cabrera
‘No contact policy’
Pinag-aaralan ng LTO ang posibilidad na magbigay ng deadline upang iparehistro sa bagong may-ari ng sasakyan ang mga naka “open deed of sale” pa.
Ito, ayon kay LTO Chief Roberto Cabrera, ay dahil isa ito sa magiging problema sa no contact policy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ipinaliwanag ni Cabrera na mahalagang mailipat ang ownership ng isang sasakyan sa bagong may-ari dahil ang mapapadalhan ng summons ng MMDA ay ang lumang may-ari.
Bahagi ng pahayag ni LTO Chief Roberto Cabrera
By Katrina Valle | Sapol