Malaking hamon kay Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Chairman Martin Diño ang pagkakatalaga sa kanya bilang bagong pinuno ng SBMA o Subic Bay Metropolitan Authority.
Sinabi sa DWIZ ni Diño na hindi pa pormal na nanunumpa sa puwesto subalit nagbigay na ng marching orders ang Pangulong Rodrigo Duterte kung ano ang nais nitong mangyari sa SBMA.
Bahagi ng pahayag ni SBMA Chairman Martin Diño
Kasabay nito, inilatag na ng bagong SBMA Chairman ang mga plano nito sa pagsisimula ng kanyang tungkulin.
Ayon kay Diño, pinaplano na nila ang paglilipat sa Subic ng mga cargo mula sa Metro Manila patungong Norte.
Bukod dito, ipinabatid sa DWIZ ni Diño na aayusin din nila ang Subic Airport at kasado na rin ang kanilang biyahe ng mga opisyal ng Clark Economic Zone sa China para sa bullet train mula Clark hanggang Subic.
Bahagi ng pahayag ni SBMA Chairman Martin Diño
By Judith Larino | Balitang Todong Lakas