Muling inilatag ng Department of Budget and Management (DBM) ang mga plano ng gobyerno para mapalakas ang ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon sa DBM, simula palang nang manungkulan sa puwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., mayroon nang hakbang ang pamahalaan para muling ibangon ang ekonomiya ng bansa.
Iginiit ng ahensya na maraming plano ang Administrasyong Marcos kung saan, naglabas na ang economic team ng 8-point socio-economic agenda na siyang magsisilbing roadmap ng bansa patungo sa pagbangon nito mula sa pandemya at natural disasters.
Kabilang sa layunin ng pamahalaan, ang mapalakas ang purchasing power, matugunan ang mga hamon na dala ng COVID-19 pandemic at maibalik sa new normal, fiscal management at stability ang bansa.
Bukod pa dito, target din ng Punong Ehekutibo na magkaroon ng innovation at capacity building, maitaguyod ang green economy at pagtatatag ng mga livable at sustainable communities.
Kailangan ding maipagpatuloy ang peace and order, at maibigay ang fair at open business upang makalikha ng job opportunities at maiwasan ang tumataas na bilang ng unemployment rate sa bansa.