Hindi nabanggit ni Vice President Elect Sara Duterte-Carpio sa kaniyang inaugural speech ang mga plano niya bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).
Ayon kay Professor Herman Kraft ng UP Political Science Department, pawang motherhood statements ang laman ng talumpati ni Duterte at uubra sanang banggitin niya ang kanyang mga plano sa education sector.
Sinabi ni Kraft na sadyang naghihintay ang publiko ng mga polisiyang ikakasa ni Duterte sa DepEd.