Marami umanong planta ang ngayon ay naka-emergency shutdown dahilan para tumagal pa ang nararanasang rotational brown out.
Ayon kay NGCP Spokesperson Cynthia Alabanza, wala sa plano o sa maintenance plan para sa taong ito ang pagbagsak ng mga planta na ito bukod pa sa mga planta na na-“derate” o bigong matupad ang inaasahang paggawa ng kuryente na nagresulta sa pagbaba ng kanilang production.
Paliwanag ni Alabanza, wala silang impormasyon kung regular bang naiinspeksyon ang mga power generation plants na ito para matiyak na maayos na gumagana ang mga ito.
Gayunman, ani Alabanza, mayroon naman silang paghahandang ginawa sa mga ganitong klaseng sitwasyon ngunit hindi nila inaasahan na magsasabay-sabay ang pagbagsak ng napakaraming planta.
Dahil dito, medyo naging malala ang sitwasyon ngayon ng suplay ng kuryente.