Binigyang diin ni Pangasinan 2nd District Rep. at Chairman ng Special Committee on Nuclear Energy Mark Cojuangco, na walang kinakalawang sa mahahalagang equipment ng Bataan nuclear power plant.
Ito ang inihayag ni Cong. Cojuangco, sa eksklusibong panayam ng DWIZ, na kaya namang palitan ang maliliit na kagamitan kung makitaan ito ng kalawang.
Matatandaang nagsagawa ng sanctional testing ang isang non-government organization kung saan, iginiit ng kongresista na isandaang porsyentong kumpleto at walang sira ang mga planta sa Bataan.
Ayon kay Cong. Cojuangco, taong 2010 pa nila nakausap ang ilang residente sa Bataan at sang-ayon ang mga ito na muling buhayin ang naturang planta, na lilikha ng mas maraming trabaho.
Iginiit naman ng kongresista na hindi pagmamay-ari ng mga taga-bataan ang nasabing planta kundi pagmamay-ari ng republika ng Pilipinas kung saan, ang totoong pangalan nito ay “Philippine Nuclear Power Plant.”
Hinimok naman ni Cong. Cojuangco ang pamahalaan, na huwag nang i-expand ang Bataan nuclear power plant at dagdagan nalang ng mga planta upang tugunan ang pangangailangan sa kuryente.