Pinag – aaralan na ngayon ng pamunuan ng Metro Rail Transit o MRT – 3 ang paglalagay ng mga harang sa mga istasyon ng tren.
Ito ay matapos na mahulog kahapon ang 24 anyos na si Angeline Fernando sa pagitan ng dalawang bagon ng tren na naging dahilan para maputol ang kanyang braso.
Ayon sa MRT authority, matagal na nilang plano ang paglalagay ng harang sa mga MRT stations ngunit inuna muna nila ang pagsasaayos ng mga bagon at riles.
Samantala, kinumpirma naman ni Transportation Undersecretary Cesar Chavez na natapos na ang operasyon para maibalik at maidugtong muli ang naputol na braso ni Angeline.