Ibaban ng Games and Amusements Board (GAB) ang mga players na masasangkot sa game fixing o ang pagbebenta ng mga players sa kanilang laro kung saan, ipapatalo ng professional players ang kanilang laro para manalo ang kanilang kalaban.
Ayon kay GAB Chairman Baham Mitra, sa kangkungan pupulutin ang mga tiwaling manlalaro at mga coach.
Sinabi pa ni Mitra na kanilang babawiin ang mga lisensya at pagbabawalan ding makapaglaro sa anumang professional league sa bansa at posible ring maharap sa kasong kriminal ang mahuhuling lalabag.
Sa ngayon, inimbestigahan na ng GAB, sa pamamagitan ng Anti-Illegal Gambling Unit at legal devision ang naturang isyu ng game-fixing. —sa panulat ni Angelica Doctolero