Wala nang legal na balakid upang matuloy ang mga plea bargaining deal sa mga paglabag sa Republic Act o RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Ito’y makaraang ibasura “with finality” ng Korte Suprema ang motion for reconsideration na kumukuwestyon sa ruling ng Supreme Court o SC noong Agosto 15 na nagde-deklara na unconstitutional ang Section 23 ng naturang batas na nagbabawal sa plea bargaining deal sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga.
Nilalabag nito ang Section 1, Rule 118 ng Rules of Court na nagpapahintulot ng plea bargaining sa lahat ng mga criminal case at sinasagkaan din ng nasabing probisyon ang rule making authority ng SC na ginagarantiyahan ng 1987 Constitution.
Nag-ugat ang nasabing desisyon ng kataas-taasang hukuman sa petisyong inihain ng akusadong si Salvador Estipona Jr. na nahulihan ng point 84 grams ng shabu sa Legazpi City, Albay noong Marso 21, 2016.
Sa kabila ng pagpayag ng prosekusyon na sila ay pumasok sa plea bargain deal, hindi ito pinayagan ni Judge Frank Lobrigo ng Legazpi Regional Trial Court o RTC dahil sa isinasaad ng Section 23 ng RA 9165.