Wala pang kahit isang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at kanilang mga service providers ang maaari nang makabalik operasyon.
Ito ang inihayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR), dahil wala pa rin kahit isa sa mga ito ang nakapagbayad na ng buo sa kanilang mandatory tax obligation.
Ayon kay Internal Revenue Deputy Commissioner at POGO Task Force Head Arnel Guballa, maituturing pang iligal ang operasyon ng mga makikitang nagbukas nang POGO at kanilang mga service providers.
Aniya, kasalukuyan pang pinoproseso ng mga POGO ang mga kinakailangan nilang requirements bago makabalik ng operasyon tulad ng pagbabayad ng buwis.
Mayo a-sais nang magpalabas ng guidelines ang BIR para sa mga kinakailangang bayarang buwis at isumiteng requirements ng mga POGO bago sila makakuha ng clearance para makabalik ng operasyon.