Pinababawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga police escort ng lahat ng opisyal ng gobyerno na nasa listahan ng umano’y sangkot sa iligal na droga.
Pinakakansela rin ng Pangulo ang mga lisensya ng lahat ng mga armas ng mga kabilang sa listahan na kanyang isinapubliko.
Iginiit ng Pangulong Duterte na kailangan niyang isapubliko ang kanilang mga pangalan dahil bahagi, aniya, ito ng kanyang tungkulin.
Kabilang sa nasabing listahan ng Pangulo ang ilang dati at kasalukuyang mga judge, mayor, congressman, at mga pulis.
By: Avee Devierte