Nanindigan ang NCRPO o National Capital Region Police Office na hindi nila tatantanan ang mga abusado at mapagsamantala nilang tauhan.
Iyan ang tiniyak ni NCRPO Spokesperson S/Insp. Myrna Diploma sa harap na rin ng pinaigting na internal cleansing o paglilinis sa kanilang hanay.
Batay sa datos ng regional intellegence division ng NCRPO mula Hunyo 1 hanggang Hulyo 23, aabot sa 7,037 mga pulis ang nahaharap mga kasong kriminal at administratibo.
Para sa mga kinasuhan ng kriminal, 28 rito ang under validation, isa ang inaresto ng CITF o Counter Intellegence Task Force habang dalawa ang kasalukuyan nang isinailalim sa inquest proceedings.
Habang aabot naman sa 279 ang mga pulis ang sinampahan ng kasong administratibo habang nasa 9 ang sinibak na sa serbisyo.
Kadalasang problemang kinahaharap ng NCRPO sa kanilang mga pulis ay iyong laging AWOL o Absent Without Official Leave gayundin iyong mga laging nahuhuling natutulog at nagtetext habang nakaduty.
“Agad na pinag uutos ng aming regional director ang pagka relieve nila sa kanilang pwesto so nare-reassign sila sa mga regional headquarters support group, yung mga sangkot sa mga illegal activities, nag violate ng mga policies ng PNP then yung mga na re-assign sa RSHG ay everyday po silang nagrereport doon sa unit na yun while yung mga na inquest na, syempre nakakulong po.”
(From Pulis @ Ur Serbis interview)