Sinabi ng PNP Chief Ronald Dela Rosa na unang batch pa lamang ng police scalawags ang dinala sa Malacañang at susunod na ang mula sa probinsiya.
Kung ipinapahiya man ngayon ang mga pasaway na pulis, para, aniya, madisiplina ang mga ito at magsilbing babala na rin sa ibang pulis na may ginagawang kalokohan.
Binigyang-diin ni Dela Rosa na hindi lamang pang-publisidad ito dahil mayroong ng kaso ang ilan sa mga pulis na pasaway na kinahaharap sa korte.
Kasabay nito, nanawagan ang PNP sa publiko at sa media na tulungan sila para maging epektibo ang paglilinis sa hanay ng pambansang pulisya.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping