Nananatiling matatag ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagsusulong ng mga polisiya at investments na nakatutulong sa paglikha ng mga trabaho at nagpapabuti sa labor market.
Ito ang binigyang-diin ng National Economic and Development Authority (NEDA), kasunod ng ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba sa 3.5%, o katumbas ng 1.8 milyong Pilipino, ang bilang ng mga walang trabaho noong Pebrero 2024.
Mas mababa ito kumpara sa naitalang 4.5% o 2.15 million unemployed Filipinos noong Enero 2024.
Sa kaparehong survey, lumabas din na tumaas sa 96.5% ang employment rate sa bansa nitong Pebrero.
Samantala, bumaba rin ang underemployment rate sa 12.4% mula sa 12.9% ng kaparehong buwan noong nakaraang taon.