Iminungkahi ni Vice President Leni Robredo ang pagtatalaga ng kinatawan mula sa liga ng mga barangay at lokal na pamahalaan sa Inter – Agency Task Force (IATF).
Ito’y makaraang suportahan ng Pangalawang Pangulo ang rekumendasyon ng Metro Manila Council na manatili sa general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) hanggang sa katapusan ng taon.
Ayon kay Robredo, mas alam ng bawat lokal na pamahalaan ang sitwasyon sa kanilang mga nasasakupan kaya’t dapat mas pakinggan ng IATF ang kanilang mga rekumendasyon.
Hindi aniya uubra ang tinatawag na one size fits all sa pagpapatupad ng mga polisiya dahil kinakailangang i-akma ito sa hinihingi naman ng sitwasyon.