Binigyang-diin ng Department of the Interior and Local Government o DILG na hindi maaaring gamitin ng mga politiko ang 3-day national vaccination drive sa pampolitikang aktibidad.
Sinabi ni DILG spokesman Jonathan Malaya, maaaring maharap ang politko sa mga kaso dahil sa paglabag sa mga pamantayan sa kalusugan.
Aniya, kabilang si hindi maaaring gaiwn ng mga politiko ay ang paglalagay ng mga tarpaulin na may pangalan at pagdadala ng mga tao.
Sa kabilang dako, inatasan na rin nila ang mga Local Government Units o LGU na mag-tap ng mga contact tracer na may medical background upang makatulong sa pagkolekta ng data.
Samantala, target ng pamahalaan na mabakunahan ang 9 milyong indibidwal sa loob ng tatlong araw.