Umaaray na rin maging ang hanay ng mga porter sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Sa panayam ng DWIZ sa mga ito na iniiwasan na sila ng mga turista mapa-lokal man o dayuhan dahil sa takot na kasabwat sila ng mga tanim bala gang sa loob ng paliparan.
Bukod sa paghina ng kanilang kita, nakatitikim din sila ng masasakit na salita mula sa mga lumalabas at pumapasok sa NAIA na siyang dahilan upang bumaba ang kanilang morale.
Dahil dito, nangangamba sila na kung magpapatuloy ang ganitong masamang gawain sa loob ng paliparan, tiyak na marami sa kanila ang mawawalan ng trabaho dahil hindi na nila makukuha ang quota na kailangan nila sa bawat araw.
By Jaymark Dagala | Raoul Esperas (Patrol 45)