Nanganganib na mawalan ng kabuhayan ang mga porter sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa modus na laglag bala sa NAIA.
Katulad ni Salvador Miniosa, isang porter sa NAIA Terminal 1, dati aniya ay nakaka pito hanggang 10 pasahero siya sa isang araw, pero ngayon aniya ay masuwerte na kung magkaroon ng isang pasahero na kukuha sa kanyang serbisyo bilang porter.
Nitong nakaraang araw aniya ay umabot lamang sa P270 ang kanyang kinita sa buong araw.
“Ito lang ang hanapbuhay namin Sir eh bakit sisirain pa namin, mahirap mag-apply sa trabaho ngayon kaya ini-ingatan namin ang pangalan namin lalo na ang kumpanya namin at MIAA, sana tiwala din sila kasi tumutulong din kami sa kanila lalo na sa mga matatanda na nagbubuhat ng mabigat na bagahe.” Ani Miniosa.
Ayon kay Miniosa, maliban sa nawalan na sila ng kita, may mga kasamahan pa silang porter na napapaaway sa mga pasahero na nagtataboy sa kanila.
“Sumigaw daw ang pasahero na huwag kang lumapit sa amin kasi baka lagyan mo ng bala ang mga bagahe namin, kaya yung porter kaya medyo nakapagsalita din sa pasahero prumeno lang siya para hindi mag-away, highblood siya, highblood din ang pasahero, para ano eh umiwas na lang sila.” Pahayag ni Miniosa.
By Len Aguirre | Ratsada Balita