Pinaghahandaan na ng pamunuan ng Metro Rail Transit o MRT Line 3 ang mga posibleng maranasang aberya ngayong tag-init.
Ayon kay MRT-3 Director for Operations Mike Capati, batay sa kanilang datos, mas madalas na nakararanas ng mga technical problems ang MRT tuwing summer.
Dagdag ni Capati, bumili na rin sila ng mga bagong air conditioning units para sa mga tren bilang paghahanda na rin sa mainit na panahon.
Posible rin aniyang madagdagan ng hanggang lima ang mga bumibiyaheng tren matapos ang Holy Week.
Magugunitang, nadagdagan ang bumiyaheng tren ng MRT kahapon kung saan nakapag-deploy nang hanggang sampu.
Mas marami ito kumpara sa anim hanggang walong tren ma bumiyahe noong nakaraang buwan.
Gayunman nakaranas ng panibagong aberya ang MRT alas-5:00 ng hapon kahapon dahil sa nasirang signalling system ng isang tren nito sa bahagi ng Quezon Avenue Station.
—-