Walang masamang tinapay kay dating Interior Secretary Ismael Mike Sueno kung sinuman ang ipalit sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kalihim ng DILG o Department of Interior and Local Government
Sa kaniyang pormal na pamamaalam kahapon sa mga kawani ng DILG, sinabi ni Sueno na rekumendado niya ang kasalukuyang officer in charge ng DILG na si Undersecretary Catalino Cuy para humalili sa kaniya
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni dating Interior Secretary Mike Sueno
Gayunman, sinabi ni Sueno na maituturing pa ring wise decision ng Pangulo kung may iba pang mapili ang Pangulo lalo na sa mga lumulutang na pangalan sa kasalukuyan
Ilan sa mga pangalang iyon sina dating Interior Secretary Rafael Alunan, dating MMDA Chairman Francis Tolentino at dating Senador Bongbong Marcos na pawang mga taga-suporta rin ni pangulong duterte
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni dating Interior Secretary Mike Sueno
By: Jaymark Dagala