Maliban sa pag-aalburoto ng Bulkang Taal ay maaaring makapagpalala ng sitwasyon sa COVID-19 ang banta ng mga posibleng mamuong bagyo ngayong kalagitnaan ng taon.
Ito ang ibinabala ni Dr. Peter Julian Cayton ng University of the Philippines (UP) pandemic response team sa gitna ng ginagawang paglikas ng mga residente sa ilang lugar sa lalawigan ng Batangas.
Ayon kay Cayton, kadalasan tumataas ang mga kaso tuwing may evacuation dahil sa dikit-dikit o siksikan ang mga tao.