Sinimulan nang ilatag ng pamahalaan ang mga posibleng mangyari pagkatapos ng isang enhance community quarantine (ECQ).
Ayon kay Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion, pangunahing layunin pa rin ang maging ligtas ang bansa sa pagkalat pa ng coronavirus.
Gayunman, kailangan anyang buhayin agad ang ekonomiya sa sandaling matapos ang ECQ dahil maaaring hindi tayo patayin ng virus subalit gutom at kahirapan naman ang papatay sa mamamayan.
Dahil dito, sinabi ni Concepcion na inirekomenda nyang gawing barangay o village level na lamang ang pagpapatupad ng quarantine upang hindi madamay ang iba pang lugar.
Kailangan rin anyang buhayin na ang marketing, construction at public transportation subalit mapatupad ng safeguards upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).