Sisimulan na ngayong linggo ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagdinig sa certificate of candidacy ng mga posibleng nuisance candidate.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, ipinatawag na ang mga kandidato na pinadalhan nila ng sulat.
Dito anya malalaman kung sino ang mga seryoso dahil ilan sa mga presidential “wannabe” ay hindi naman talaga dumarating sa hearing gaya sa mga nakaraang halalan.
Iginiit ni Bautista na kung pursigido ang naturang mga kandidato, ay ito na ang pagkakataon na ipagtanggol ang kanilang kandidatura at hindi sa ibang forum na hindi saklaw ng poll body.
By Mariboy Ysibido | Aya Yupangco (Patrol 5)