Nanindigan si House Speaker Pantaleon Alvarez sa na kaniyang ipadedeklarang bakante ang lahat ng posisyon ng mga mambabatas na bumoto kontra sa pagpasa ng Death Penalty Bill sa KAMARA.
Ito’y ayon kay Alvarez sa kabila ng mataas na bilang ng mga bumotong pabor sa nasabing panukala kaya’t nailusot iyon sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara.
Kung kakayanin aniyang mapalitan sa lalong madaling panahon ang puwestong iiwanan ng mga Anti-Death Penalty Congressmen mula sa Committee Chairmanship hanggang sa pagiging Deputy Speaker.
Kabilang sa mga bumoto kontra sa Death Penalty Bill si dating pangulo ngayo’y Pampanga rep. Gloria Macapagal Arroyo na isa sa mga Deputy Speakers ng Kamara.
Gayunman, sinabi ni Alvarez na pasensyahan na lamang sila ni Arroyo dahil kailangan niyang gawin ang naturang hakbang kahit pa kausapin siya ng mambabatas.
By: Jaymark Dagala