Inihayag na ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi papayagang makaboto ang mga kasalukuyang positibo sa COVID-19.
Ayon kay COMELEC commissioner George Erwin Garcia, hindi maaring makalabas ng bahay o isolation facilities ang mga kumpirmadong nag-positibo sa COVID-19 dahil na rin sa batas na Republic Act 11332 o public health policies at guidelines ng Inter-Agency Task Force.
Dagdag pa ni Garcia, mahigpit na babantayan ng mga barangay officials sa mga isolation facilities at mga bahay na mayroong nag-positibo sa virus kaya’t wala nang chansa na makaboto ang mga ito.
Nabatid naman na ang mga hindi pa naman kumpirmado na may COVID-19 at hindi naka-isolate na nasa mga presinto na ay maaring makaboto.