Naniniwala si Molecular Epidemiologist Dr. Edsel Salvana na maari paring makaboto sa papalapit na 2022 national and local elections ang mga positibo sa COVID-19.
Ayon kay Salvana, walang nakikitang problema sa naging pahayag ng Commission on Elections (Comelec) na papayagang makaboto sa May 9 elections ang mga COVID-19 positive patients.
Matatandaang sinabi ng Comelec na hindi na kailangan ng COVID-19 test results o vaccination card at hindi narin inoobliga ang mga botante na mag-face shield dahil sapat na ang pagsusuot ng face mask upang makaboto sa Mayo a-9.
Tiwala naman si Salvana na mayroong ilalaan ang Comelec at Department of Health (DOH) para masolusyonan ang problema sa mga positibo sa nakakahawang sakit na nais makaboto sa eleksiyon.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang dalawang ahensya sa Inter-Agency Task Force hinggil sa naturang usapin.