Bineberipika na ng Philippine National Police – Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) ang mga kumakalat na video sa social media kaugnay sa mga krimen.
Ayon kay PNP-ACG Acting Director, Pol. Brig. Gen. Joel Doria, inatasan na niya ang lahat ng acg commanders na i-validate ang mga videos.
Ginawa ni Doria ang kautusan matapos kumalat ang isang post, kung saan humihingi ng tulong ang isang babae na tinatangkang gahasain ng isang lalaki.
Nakita rin sa video ang pagsaklolo ng mga sibilyan at pagkuyog sa umano’y rapist.
Sa ngayon, bagaman itinuring na magandang development ang ginawa ng mga mamamayan ay marami pa ring video na kumalat na hindi naman ngayon nangyari.
Karamihan sa mga ito ay ni-recycle lang, para manghikayat ng followers na paniwalaang “unstable” ang gobyerno.