Ibibunyag ni Senadora Leila De Lima na ibinalik umano ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang ilang pribilehiyo sa high profile inmates na tumestigo laban sa kanya sa house committee investigation.
Ayon kay De Lima, nakagagamit na muli ng cellphone at ilang gadgets, TV, at aircon ang mga drug convict gaya ni Herbert Colangco na inilipat sa AFP detention center sa Camp Aguinaldo.
Sinabi ng Senadora na may katibayan aniya sya na ang pagbalik ng mga nasabing pribilehiyo ang pangako umano ni Aguirre kapalit ng pagtestigo laban sa kanya.
Dahil dito, pinag-aaral na ng Senadora ang pagsasampa ng kaso laban kay Aguirre.
By: Avee Devierte / Aya Yupangco