Inihayag ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ang kagawaran ng mataas na bilang ng mga namamatay na nagdadalang taong kababaihan ngayong panahon ng pandemya.
Ayon kay Dr. Zenaida Recidoro ng DOH Adolescent and Maternal Health Division, nasa limang pregnant women ang namamatay kada araw sa Pilipinas noong 2020 dahil sa maternal causes.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), mula sa walumput pitong maternal mortality rate sa bansa noong 2020 ay tumaas ito sa 123 sa kada 100K nanganganak.
Dahil dito, hinikayat ng doh ang mga nagdadalang-taong kababaihan na humingi ng pre-natal at post-natal care at ligtas na manganak sa health facilty. - sa panulat ni Airiam Sancho