9 sa 10 presidential candidates ang kumasa sa “Pili-Pinas debates 2022″ ng Commission on Elections (Comelec) nitong sabado.
Kabilang sa mga hinarap na tanong ng mga kandidato ay kung ano ang kanilang unang pagtutuunang pansin upang mapasigla muli ang ekonomiya ng bansa.
Unang tumugon dito si dating Palace Spokesman Ernesto Abella, at sinabing balak niyang gawing isang agriculture powerhouse ang sektor ng agrikultura ng Pilipinas.
Sumunod naman si Labor Leader Leody De Guzman, at sinabing nais niyang paunlarin ang agrikultura at magkaroon ng Agriculture Road Map.
Ayon naman kay Manila Mayor Isko Moreno, dapat na payabungin ang katayuan ng mga magsasaka sa bansa.
Bibigyang prayoridad naman ni dating Defense Secretary Norberto Gonzales ang pagbibigay ng hanapbuhay sa mga Pilipino.
Para naman kay Senator Ping Lacson, pagtutuunang pansin niya ang pagtulong sa MSME’S o Micro, Small and Medium Enterprises.
Sinabi naman ng negosyanteng si Faisal Mangondato na palalakasin niya ang ekonomiya, habang nagbigay naman ng mungkahi si Dr. Jose Montemayor Jr., kung paano bubuhayin ang ekonomiya ng Pilipinas.
Binigyang diin naman ni Senador Manny Pacquiao ang pagtutok sa GDP ng bansa at pagpapalakas sa MSME’s
Prayoridad naman Ni Vice President Leni Robredo ang paglalaan ng pondo para sa MSME’s.