Nagpakita ng suporta sa mga tumatakbong pangulo sa halalan 2022 ang iba’t ibang sektor sa bansa.
Nitong linggo ay nagsagawa ng motorcade ang mga supporter ni dating Senador Bongbong Marcos na tinawag na ‘Solidarity Caravan’.
Nagmula sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila ang supporters ni Marcos na nag-ikot sa ilang mga lungsod kabilang ang Quezon City, Muntinlupa, at Valenzuela.
Sa San Juan City naman idinaos ang ‘Pink Bike Day’ bilang pagsuporta kay Vice President Leni Robredo, kasabay ng pagdiriwang ng National Bicycle Day.
Iba’t ibang grupo ang nagbisikleta kabilang ang ‘Doctor Influencers for Leni’.
Nagtungo ang supporters ni Robredo sa Pasig City kung saan sinama rin ng mga ito ang kanilang mga alagang aso at tinawag na ‘Dogs for Leni’.
Sinuportahan naman ng ilang Labor Leader si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa paglunsad ng manggagawa para kay Isko Moreno o mismo nitong sabado.
Habang ang tambalan nina Partido Reporma Presidential bet Senador Panfilo `Ping’ Lacson at running mate na si Senate President Vicente `Tito’ Sotto III ay sinuportahan naman ng mga lider at miyembro ng iba’t ibang evangelical group. —sa panulat ni Hya Ludivico