Nagsagawa ng noise barrage ang mga nakakulong sa Malabon City Jail .
Ito’y matapos nagkalat sa social media ang mga litrato ng mga preso na may hawak na mga placard na nakasaad ang ilang hinain ng mga ito.
Ayon kay B.J.M.P Spokesperson Jail Chief Inspector Jayrex Bustinera, ang mga detainee ay nagpo-protesta sa pamamalakad ng jail warden sa naturang jail facility.
Dahil dito, nagpadala ng mga police personnel sa paligid ng malabon city jail para sa anumang maaaring idulot ng ginagawang pag-iingay ng mga inmate. – sa panunulat ni Jenn Patrolla