Sinunog ng mga preso sa isang kulungan sa Buenos Aires, Argentina ang kanilang mga kama bilang pagpapakita ng protesta.
Ito naman ay para ipanawagan ang paglaya sa gitna na rin ng pangambang mahawaan sila ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay sa ulat, umakyat bubungan ng kulungan ang ilang mga preso bitbit ang ilang mga bagay tulad ng kadena, patpat at iba pa.
Nagkabit din sila ng banner na nagsasabing ayaw nilang mamatay sa loob ng kulungan.
Nagsimula ang kaguluhan sa nabanggit na detention facility sa buenos aires matapos malaman ng mga preso na may ilan nang indibiduwal sa loob ng nabanggit na kulungan ang nahawaan ng COVID-19.