Nabulabog ang mga preso sa isinagawang greyhound operation sa pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Quezon City Police District (QCPD) sa Quezon City Jail (QCJ).
Ayon QCJ Warden Jail Superintendent Michelle Ng Bonto, na mayroong 42 jail officers at 373 na mga pulis ang naghalughog sa mga selda ng mga ilegal na kontrabado na nakapasok sa kulungan.
Narekober sa operasyon ang dalawang cellphone, improvised drug paraphernalias, 36 na kutsilyo at walong ice picks.
Matatandaang, ipinag-utos ni BJMP Director General Alan Iral ang pagsasagawa ng mga greyhound operation sa iba’t-ibang mga kulungan sa bansa upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga riot sa piitan. —sa panulat ni Kim Gomez