Nangako si Philippine National Police o PNP Chief Director General Dela Rosa na magiging maginhawa ang buhay ng mga presong may magagandang records oras na maupo na siya bilang bagong pinuno ng Bureau of Corrections o BuCor.
Ayon kay Dela Rosa, bukod sa kanyang pagreretiro, excited na rin siya na umupo bilang bagong BuCor Chief na aniya ay iba sa kanyang nakasanayan.
Sinabi ni Dela Rosa, oras na maupo na siya bilang BuCor Chief, titiyakin niyang magiging maayos ang lagay ng mga karapat-dapat at may maayos na record na mga Persons Deprived with Liberty o PDL sa New Bilibid Prison o NBP.
Taliwas naman aniya ito sa mga nakakulong na drug lords na mapatutunayang nagpapatuloy pa rin sa kanilang mga iligal na gawain na tiyak na magiging miserable ang mga buhay.
Una nang ibinabala ni Dela Rosa na magiging madugo ang kanyang programa sa pagsawata sa mga drug lords sa loob ng NBP kung manlalaban ang mga ito.
—-