20 porsyento ng mga preso sa maximum security compound ng NBP o New Bilibid Prison ang namamatay kada taon.
Sa kaniyang pagharap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa GCTA Law, ipinabatid ni NBP Hospital Director Ernesto Tamayo na aabot sa 5,200 preso ang nasasawi sa piitan dahil sa iba’t ibang problema sa kalusugan.
Isa aniya sa mga dahilan nang pagkalat ng sakit tulad ng Pulmonary Tuberculosis sa piitan ay dahil sa pagiging overcrowded nito na hindi mapigilan ng pamunuan ng Bureau of Corrections gayundin ang saksakang nagaganap sa pagitan ng mga bilanggo.
Samantala, ibinunyag naman ni Godfrey Gamboa, dating preso sa bilibid na marami ring bilanggo ang nasasawi dahil sa pagkaing inihahanda sa kanila.
Mayroon aniyang pagkakataon na panis ang mga inihahanda sa mga preso kaya’t nanghihina ang mga bilanggo.
Nilinaw naman ni Tamayo na isa itong isolated case dahil minsan lang nangyari ito sa loob ng bilibid.
Botcha aniya ang naihanda sa preso kaya’t sinuspindi ang caterer na naghain nito.
Samantala, inihayag ni Tamayo na wala namang nasawing preso dahil sa malnourishment.