Aabot sa halos 19,000 preso ang pinakawalan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Ayon kay BJMP Chief Jail Dir. Allan Iral, ito ay para mabawasan ang pagsisiksikan sa mga piitan dahil sa mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ani Iral, halos lahat ng pinakawalang bilanggo ay mayroon lamang mga minor case at ang iba pa sa mga ito ay napagsilbihan na ang kanilang sentensya.
Kinilala naman ni Iral ang pagsusumikap ng kanilang mga paralegals, courts at mga hukom para isa-isang mapag-aralan ang mga kaso ng mga napakawalang bilanggo.
Ani Iral, hindi ligtas sa COVID-19 ang mga nasa bilangguan.
Sa katunayan aniya ay nakompromiso na ng virus ang nasa 48 sa 470 jail facilities.
Tatlong regional offices umano ang naapektuhan ng virus, habang ang Region 7 naman ay nananatiling naka-lockdown matapos magpositibo sa sakit ang tatlo nilang tauhan.