Protektado sa ilalim ng mabusising data privacy at security settings ang Philippine Identification System o Philsys.
Ito ang tiniyak ng Philippine Statistics Authority, ang pangunahing implementing agency ng nasabing proyekto.
Ayon kay PSA Undersecretary Dennis Mapa, regular ang pagsasagawa nila ng privacy impact assessments o pia para sa disenyo at proseso ng Philsys.
Sa pamamagitan ng PIA, na isinasagawa ng isang independent 3rd party, tinutukoy anya ang lahat ng data privacy at security risks kaya’t nakatitiyak ang mga registrant na ligtas ang kanilang pribadong impormasyon.
Ang P.I.A. Isinasagawa katuwang ang Department of Information and Communications Technology at compliant ito sa rekomendasyon at guidelines ng National Privacy Commission. — sa panulat ni Drew Nacino