Pumalo na sa higit 200 mga pribadong kumpanya ang inaasahang magbibigay ng mga rapid tests sa kanilang mga empleyado oras na magbalik trabaho ang mga ito.
Ayon kay Joey Concepcion, Presidential Adviser for Entrepreneurship, ang mga naturang rapid test kits ay libre at sagot aniya ng mga kumpanya.
Kung kaya’t wala dapat isiping bayarin ang mga empleyado na magbabalik trabaho.
Dagdag pa nito, wala ring babayaran ang gobyerno o philhealth sa naturang testing.
Kasunod nito, inaasahan namang matatapos ng higit 200 kumpanya ang isinasagawa nitong testing sa kani-kanilang mga empleyado.