Gusto nang ipagbawal ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang mga pribadong negosyante sa kalakan ng bigas sa bansa.
Ayon kay Piñol, kasalanan ng mga pribadong negosyante kaya mataas ngayon ang presyo ng commercial rice sa merkado kahit pa masagana naman ang ani ng palay at may sapat na stock noong nakaraang taon hanggang ngayong unang bahagi ng 2018.
Giit ni Piñol, kung sya lang ang masusunod, dapat nasa kamay lang ng gobyerno ang negosyo ng bigas dahil itoy usapin ng national security bilang pangunahing pagkain ng mga Pilipino.
Anuman anyang sigasig nila na makaani at makapag imbak ng maraming bigas, hindi ito mararamdaman ng publiko, dahil mga negosyante anya ang nagkokontrol sa presyo ng mga produkto ng mga magsasaka at nagdidiktia rin sa presyo ng bigas sa mga palengke.
Posted by: Robert Eugenio