Inihayag ni Commission on Higher Education o CHED Chairman Prospero De Vera na nagsimula nang mag-apply ang ilang pribadong unibersidad at kolehiyo para sa tuition increase o pagtaas ng matrikula.
Bagamat Enero pa lamang ani ni De Vera, may mga humihirit na ng tuition increase.
Ngunit sinabi ng opisyal na wala pa silang naaprubahan dahil pinag aaralan pa lamang ito sa komisyon.
Una rito, nagtungo ang ilang grupo ng mga estudyante sa tanggapan ng CHED para iprotesta ang iba-ibang isyu kabilang ang tuition hike.