Nilinaw ni Health Sec. Francisco Duque III, na kahit pa kabilang sa mga priority sector ang mga senior citizen na nasa 60-years old pataas hindi aniya nangangahulugan na agad silang matuturukan ng COVID-19 vaccine na nakatakda nang dumating sa bansa ngayong buwan.
Ginawa ni Duque ang pahayag kasabay ng pagsasapubliko ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease ng listahan ng mga priority groups na unang matuturukan ng bakuna kontra COVID-19.
Inihayag din ng health official na maging ang mga healthcare workers sa mga pampubliko ospital ay hindi rin required na agarang magpaturok ng vaccine.
Paliwanag nito, magiging voluntary aniya ang sistema ng pagbibigay ng bakuna kungsaan kailangang pumirma ng final consent form ang mga nais na magpabakuna, gayun rin ang tutol na maturukan ng COVID-19 vaccine.
Para naman sa mga hindi nagustuhan ang unang type ng bakuna na darating sa bansa, sinabi ni Duque na maari naman silang mag-antay, ngunit wala aniyang katiyakan kung kailan makararating ang kanilang natitipuhan na uri ng vaccine.