Sasagutin na ng mga private hospital ang gastos ng mga nurse na sasabak sa board review at board exams kapalit ng pangakong magseserbisyo muna sila sa gobyerno.
Ito ang inihayag ni Health Secretary Ted Herbosa sa gitna ng planong na kumuha ng mga hindi lisensyadong nurse sa mga pampublikong ospital, basta makakapasa sa board exam.
Ayon kay Secretary Herbosa, ang private sector na ang magbibigay ng scholarship sa mga nurse na hindi makapasa kung iha-hire sila sa isang partikular na posisyon.
Nagkakahalaga ng 25,000 pesos ang tuition fee sa mga review centers na hindi anyang kayang tustusan ng maraming mga nursing graduate.
Sa sandaling makapasa sa board, kailangang pumirma ang lisensyadong nurse sa kasunduan sa 4 na taong pagseserbisyo sa government hospital bago payagang makapag-abroad.
Sa kasalukuyan, mayroong 4,500 vacant position para sa mga nurses sa pitumpung doh hospitals.