Nakahanda ang Department of Education (DepEd) na kunin ang mga teachers sa private schools na nawalan ng trabaho ngayong taon.
Matatandaan na mahigit sa 400 private schools ang tumigil ng operasyon ngayong school year dahil halos walang estudyanteng nag-enroll sa kanilang paaralan.
Gagamitin ng DepEd sa pagkuha ng serbisyo ng teachers ang P300-milyon na nakalaan sa ilalim ng Bayanihan 2 para sa teachers at non-teaching personnel na nawalan ng trabaho dahil sa pandemic.