Nagbabala ang Department of Education (DepEd) sa mga private school na magtataas ng kanilang tuition fee para sa darating na school year.
Ayon kay DepEd Usec. Nepomuceno Malaluan, dapat hindi maaaring basta-basta magtaas ng tuition fee ang mga pribadong paaralan.
Aniya mayroon itong prosesong dapat pagdaanan bago magpatupad ng taas singil.
Gayunman sinabi ni Malaluan na mahihirapan din namang pagbigyan ang hirit na babaan ang tuition fee ng mga private school dahil sa may gastos din umano para sa pagpapatupad ng blended learning.
Una rito inihayag ni PCOO Sec. Martin Andanar na may ilang mga magulang ang nagpaparating ng kanilang reklamo hinggil sa mas mahal na tuition fee.