Umapela ang ilang pribadong sektor sa pamahalaan na payagan na rin silang magamit bilang booster shot ang mga sobra nilang suplay ng bakuna.
Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na hindi pwedeng gamitin ng mga pribadong kumpanya ang kanilang mga bakuna bilang extra doses, maliban na lamang sa mga senior citizen at immunocompromised individuals na kabilang sa booster roll-out.
Ayon sa 26 na business groups, maaari kasing masayang ang halos 60 milyong doses ng bakuna kaya’t hiling nila sa IATF ay magamit na ang mga ito.
Anila, wala na kasing shortage at sa laki ng stock pile ay nanganganib na mag-expire lamang ang mga ito.
Mababatid na hiniling ng gobyerno sa mga private sector na ipahiram muna ang kanilang mga nakaimbak na bakuna. —sa panulat ni Hya Ludivico