Nanganganib magsara ang mahigit 100 pribadong unibersidad at kolehiyo dahil sa P1- B halaga ng utang sa kanila ng Commission on Higher Education (CHED).
Ito ang ibinabala ni House Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar 1st district Rep. Paul Daza, matapos umabot sa anim na P1-B ang halaga ng utang ng CHED.
Ayon kay Cong. Daza, posibleng magsara ang mayorya sa mga kolehiyo sa Mindanao Region dahil may atraso pa ang CHED sa dalawang kolehiyo sa lugar, matapos bigong maibigay ng ahensya ang P131 –M at P80- M na utang.
Nabatid na hindi nagbayad ang CHED ng Tertiary Educational Financial Assistance para sa mahihirap na mga estudyante sa ilalim ng Republic Act 10931 o ang free access to Tertiary Education Act. Bunsod ng kakulangang ng pondong inilaan ng Department of Budget and Management.
Sa pahayag ni CHED Chairman Prospero De Vera III, walang pondong inilaan para sa test program noong 2021 at 2022 kung saan, direkta ring ibinigay sa mga state universities at colleges ang reimbursements para sa matrikula at iba pang bayarin.
Dahil dito, iminungkahi ng kongresista, na pansamantalang gamitin ang mahigit P10-B pondo na nakalaan sa Higher Education Development Fund para masolusyonan ang problema sa mga unibersidad at kolehiyo.