Tiniyak ng mga bagong halal na senador na kaalyado ng administrasyon na hindi sila magiging rubber stamp o sunod-sunuran sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Senator-elect Francis Tolentino, dating political affairs adviser ng pangulo, dapat tingnan ng publiko ang pagiging independyente ng Senado sa pamamagitan ng mga indibidwal nitong miyembro at hindi ng kabuuan nito.
Sa panig ni Senator-elect Bong Go, suportado niya ang mga legislative agenda ng pangulo maging ang giyera kontra kriminalidad, katiwalian at illegal drugs maging ang panukalang ibalik ang death penalty para sa mga heinous crime at drug trafficking.
Inihayag naman ni Senator-elect Ronald Dela Rosa na nirerespeto ni Pangulong Duterte ang opinyon ng kanyang mga kaalyado at laging bukas sa mga suhestyon.