Pinayagan naman ng Quezon City Local Government (QC LGU) na magsagawa ng rally at kilos-suporta ang mga anti at pro-Marcos group sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Junior.
Gayunman, nilinaw ni Quezon City Police District Director, Brig. Gen. Remus Medina na hindi naman pinayagang makalapit sa Batasan Pambansa ang mga magsasagawa ng rally.
Tanging sa bahagi ng Commonwealth Avenue at Tandang Sora anya maaaring magdaos ng aktibidad ang mga grupong sumusuporta at kumokontra sa Marcos administration.
Umaapela naman si Medina sa mga raliyista na iwasang magsunog ng mga effigy o magkalat sa mga lugar na pagdarausan nila ng mga aktibidad.