Nadagdagan pa ang bilang ng mga probinsiyang nanghihingi ng negatibong RT-PCR test result sa mga indibidwal na papasok sa kanilang lugar.
Kasunod ito ng pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan, nakapagtala kahapon ng 33,169 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Kabilang sa mga probinsyang nagpatupad ng “No Negative RT-PCR Test Result, No Entry” ay ang Antique, Guimaras Iloilo, Naga City maging ang Boracay Island. —sa panulat ni Angelica Doctolero